FANS NAPATAWA SA CANDY RING "PROPOSAL" KAY ALEX EALA NG ISANG CONTENT CREATOR
Aug 28, 2026, 2:40 PM
FANS NAPATAWA SA CANDY RING "PROPOSAL" KAY ALEX EALA NG ISANG CONTENT CREATOR
Hindi napigilan ng Filipina tennis star na si Alex Eala ang tumawa matapos siyang biruin at "propose-an" ng popular content creator na si Tony Zhao—na mas kilala bilang One Hand Tony—habang bumibisita sa isang tennis store.
Sa isang nakakatuwang video, ipinakita ni Alex ang ibinigay na regalo sa kanya at tinawag pa ang kanyang ama para ipagmalaki ito. Kalaunan ay napag-alamang isang candy ring lamang pala ang naturang "singsing."
Game ring nakisakay ang ama ni Alex sa nasabing biro, na kinagiliwan ng mga netizens at fans ng tennis star.
View original post