Wanted sa kasong Acts of Lasciviousness, huli sa Calabanga
Aug 28, 2026, 12:31 PM

Wanted sa kasong Acts of Lasciviousness, huli sa Calabanga
Arestado ang isang 45-anyos na lalaki na kilala sa alyas na "Lan" sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng Calabanga Municipal Police Station (MPS) noong hapon ng Agosto 27, 2026, sa Barangay San Pablo, Calabanga, Camarines Sur.
Nahuli ang suspek sa pamumuno ni PLTCOL Rodolfo Z. Borromeo, Chief of Police, batay sa Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness (Article 336 ng Revised Penal Code) na inisyu ng Municipal Trial Court ng Calabanga noong Agosto 26, 2026.
May inirekomendang piyansa na ₱36,000.00 ang kanyang kaso. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calabanga MPS ang suspek para sa medical examination at kaukulang disposisyon.
View original post