14 MIYEMBRO NG NPA SA LIBMANAN, NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN
Aug 28, 2026, 6:27 AM

14 MIYEMBRO NG NPA SA LIBMANAN, NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN
LIBMANAN, CAMARINES SUR — Labing-apat (14) na miyembro ng New People's Army (NPA) ang pormal na sumuko at isinuko ang kanilang mga armas ngayong Huwebes, Agosto 27, 2026.
Naging matagumpay ang pagbabalik-loob sa tulong ng 9th Infantry "Sandigan" Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Esteban Mangabat. Iniharap ang mga dating rebelde kay Mayor Edelson Son Marfil, kasama si Municipal Councilor CPT Gerardo "Dondon" Atienza Jr., upang matiyak ang pagtanggap nila ng tulong at suporta mula sa gobyerno.
Pinasalamatan naman ni Mayor Marfil ang grupo sa kanilang desisyong wakasan ang armadong pakikibaka at piliin ang mapayapang pamumuhay.
View original post