PULIS NA TINAGA SA CAMARINES SUR, TULUYAN NANG PINUTULAN NG KAMAY
Aug 28, 2026, 6:04 AM

PULIS NA TINAGA SA CAMARINES SUR, TULUYAN NANG PINUTULAN NG KAMAY
SAN JOSE, CAMARINES SUR — Tuluyan nang pinutol ng mga doktor sa Bicol Medical Center (BMC) ang kamay ni Police Staff Sergeant (PSSG) Miraña matapos mabigo ang naunang operasyon na idikit ito muli.
Matatandaang tinaga si Miraña ng isang nag-aamok na lalaking armado ng itak sa Barangay Calalahan habang nagreresponde sa lugar. Sinubukan ng mga siruhano na isalba at ikabit ang kaniyang kamay, subalit pagkalipas ng ilang araw ay kinailangan na rin itong tuluyang alisin upang maiwasan ang komplikasyon.
Sa ngayon, hinihintay pa ang opisyal na pahayag ng BMC ukol sa medikal na dahilan ng pagputol at sa kasalukuyang lagay ng pulis.
View original post