HVI, ARESTADO SA NAGA CITY; ₱2.4M HALAGA NG SHABU, NASAMSAM
Aug 27, 2026, 5:50 PM

HVI, ARESTADO SA NAGA CITY; ₱2.4M HALAGA NG SHABU, NASAMSAM
Arestado ang isang 65-anyos na High Value Individual (HVI) matapos makumpiskahan ng mahigit ₱2.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Bagumbayan Sur, Naga City, ngayong Huwebes, Agosto 27, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng Naga City Police Office (CIU/CPDEU at Police Station 3) katuwang ang PDEA Camarines Sur at CMFC Intelligence.
Kinilala ang suspek na isang 65-anyos na lalaki, binata, driver, at residente ng Brgy. Santa Rosa del Norte, Pasacao, Camarines Sur. Nakumpiska mula sa kanya ang 3 knot-tied at 14 na heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na may timbang na 364.3 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱2,477,240.00.
Lumalabas din sa beripikasyon sa CIRAS na may mga nauna nang huling kaso ang suspek, kabilang ang Murder, paglabag sa R.A. 10591 (Illegal Possession of Firearms), at dalawang kaso ng Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property (RIRDP).
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 3 ang suspek habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa kanya.
Photo: G abugao
View original post