PATAY ANG ISANG LALAKI MATAPOS ITONG PAG BABARILIN SA SIRUMA, CAMARINES SUR.

Aug 27, 2026, 10:52 AM

PATAY ANG ISANG LALAKI MATAPOS ITONG PAG BABARILIN SA SIRUMA, CAMARINES SUR. Nasawi ang isang lalaki matapos umanong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Siruma, Camarines Sur, noong gabi ng Agosto 25, 2026. Kinilala ang biktima sa alyas “Inggoy,” nasa hustong gulang, may asawa, at residente ng Tinambac. Batay sa paunang imbestigasyon ng Siruma MPS, nakatanggap ang pulisya ng impormasyon mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang lalaking natagpuang wala nang buhay at may maraming tama ng bala sa katawan. Natagpuan ang biktima sa Siruma-Tinambac Road, Sitio Tinampo, Barangay La Purisima, Siruma, bandang alas-11:30 ng gabi. Huling nakita umano ang biktima bandang alas-9 ng gabi na nakikipag-inuman sa Barangay San Vicente, Tinambac. Ayon sa saksi na si Larry Silvano, nakarinig siya ng siyam na putok ng baril sa lugar bago natagpuan ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, kabilang ang pag-iinterbyu sa mga saksi at paghahanap ng CCTV footage upang matukoy ang suspek. Humingi na rin ng SOCO assistance para sa crime scene processing at autopsy. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo at makilala ang responsable sa pamamaril.
View original post