OPISYAL NG BFP, ARESTADO SA ₱500K 'PAY-FOR-SLOT' SCAM

Aug 26, 2026, 10:49 PM

OPISYAL NG BFP, ARESTADO SA ₱500K 'PAY-FOR-SLOT' SCAM Arestado ang isang babaeng opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos mahuli sa entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Agosto 24 sa San Fernando City, Pampanga. Ayon sa ulat ng pulisya, nanghingi ang suspek ng ₱500,000 sa isang aplikante kapalit ng garantisadong slot o pagpasok sa BFP. Ibinida pa umano ng opisyal na dati na siyang nakapagpalusot ng ibang aplikante sa pamamagitan ng parehong skema. Harapin ng suspek ang mga kasong criminal na robbery-extortion bukod pa sa mga kaukulang administrative charges.
View original post