PAGRAGASA NG MABILISANG BAHA SA TIBET AT NEPAL: DAAN-DAANG PROPESYONAL AT TURISTA, NAWAWALA
Aug 26, 2026, 9:33 PM
PAGRAGASA NG MABILISANG BAHA SA TIBET AT NEPAL: DAAN-DAANG PROPESYONAL AT TURISTA, NAWAWALA
Naranasan ang isang matinding flash flood sa mga bayang sakop ng Nepal at Tibet (China) dahil sa mabilisang pag-apaw ng tubig mula sa kabundukan. Ang trahedya ay bunsod ng pagguho ng lupa (landslide) at posibleng Glacial Lake Outburst Flood matapos yanigin ng lindol ang bulubunduking rehiyon.
Kasalukuyang pinaghahanap ang halos 400 hanggang 500 katao na kinabibilangan ng mga lokal na mamamayan at mga dayuhang turista matapos mabilis na tangayin ng agos ang mga kabahayan at kalsada. Ang mabilisang pagbaha ay dulot ng isang gumuho na bundok na humarang sa daloy ng ilog, na nagbunga ng biglaang pag-apaw at mala-tsunaming ragasa ng tubig at putik.
Patuloy ngayon ang pag-salanta ng mga rescue team mula sa Nepal at China gamit ang mga helikopter upang maabot ang mga isolated na lugar at mahanap ang mga nawawala. Manatiling nakatutok para sa mga susunod na opisyal na ulat sa bilang ng mga nasaktan at nailigtas.
View original post