Test run kan mga makinarya sa MRF Calabanga, mat matagumpay na isinagawa

Aug 26, 2026, 5:04 PM

Test run kan mga makinarya sa MRF Calabanga, mat matagumpay na isinagawa ​CALABANGA, CAMARINES SUR — Isang malaking hakbang tungo sa mas malinis at mas progresibong munisipalidad ang isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Calabanga matapos nitong matagumpay na itest-run at siyasatin ang mga bagong kagamitan at makinarya sa Materials Recovery Facility (MRF) ng bayan. ​Mismong ang pamunuan ng lokal na pamahalaan ang namuno sa inspeksyon upang tiyakin na nasa maayos na kondisyon at fully functional ang bawat makinarya bago ang opisyal na pagbubukas at pagpapairal nito. ​Ayon sa pamahalaang lokal, ang pagiging operational ng naturang MRF ay magdudulot ng malaking pagbabago sa sistema ng waste management sa bayan. Layunin nitong mabawasan ang land pollution sa pamamagitan ng mas pinahusay na pag-bubukod (waste segregation) at pagre-recycle ng mga basura. ​Bukod sa epekto sa kalikasan, inaasahan ding magiging daan ang pasilidad upang mapataas ang kaalaman ng mga mamamayan sa tamang pagtatapon ng basura at maiangat ang kalidad ng pamumuhay sa buong munisipalidad. ​Hinimok naman ng pamahalaan ang pakikiisa ng bawat Calabangueño upang mapanatiling malinis, ligtas, at maunlad ang kanilang bayan sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng basura. Photo :Mayor Phillip Dumalasa
View original post