JINGGOY ESTRADA, NATUMBA SA BANYO NG QC JAIL MATAPOS BUMIGAY ANG TUHOD
Aug 26, 2026, 1:02 PM

JINGGOY ESTRADA, NATUMBA SA BANYO NG QC JAIL MATAPOS BUMIGAY ANG TUHOD
Bumagsak si Sen. Jinggoy Estrada habang naliligo sa New Quezon City Jail ngayong tanghali matapos bumigay ang kanyang tuhod dahil sa matinding sakit mula sa osteoarthritis.
Nangyari ang insidente habang naghahanda ang senador para sa kanyang nakatakdang X-ray sa Cardinal Santos Hospital. Dahil sa emergency, napaaga ang pagdala sa kanya sa ospital upang matiyak na maibabalik siya sa piitan bago mag-3:00 ng hapon, alinsunod sa utos ng Sandiganbayan.
View original post