Ivana Alawi, namigay ng relief goods at hinanap ang pondo para sa 'flood control'

Aug 26, 2026, 8:47 AM

Ivana Alawi, namigay ng relief goods at hinanap ang pondo para sa 'flood control' ​Namigay ng relief goods ang aktres na si Ivana Alawi para sa mga biktima ng bagyo at habagat. Bukod sa P1,000 cash, laman ng bawat pack ang mga de-kalidad na produkto tulad ng Japanese rice, Spam, Delimondo, imported na tsokolate, sardinas, noodles, at biskwit. ​Sa pamamagitan ng kanyang Instagram, naglabas din ng saloobin si Ivana at hinanap ang bilyun-bilyong pondo para sa flood control habang patuloy na binabaha ang mga Pilipino. Nanawagan siya sa publiko na huwag hayaang matabunan ng ibang isyu ang problemang ito at iginiit na dapat magkaroon ng malinaw na solusyon.
View original post