Kahanga-hanga! | Pader ng Calabanga Market, Patuloy na Binibigyang-Kulay at Buhay ng mga Estudyanteng Pintor
Aug 25, 2026, 9:56 PM

Kahanga-hanga! | Pader ng Calabanga Market, Patuloy na Binibigyang-Kulay at Buhay ng mga Estudyanteng Pintor
CALABANGA, CAMARINES SUR — Kahanga-hanga at punong-puno ng inspirasyon ang ipinapakitang dedikasyon ng mga kabataan sa patuloy na pag-arangkada ng proyektong "Kulay ng Kabataan."
Masugid na pinipinturahan at pinapaganda ng ating mga mag-aaral na pintor ang mga pader ng Calabanga Market. Ayon sa mga tagapag-organisa, layunin ng sining na ito na magbigay ng karagdagang kulay, sigla, at "ginhawa sa mata" para sa lahat ng mga mamimili at dumadaan sa pamilihan araw-araw.
Hinihikayat ang buong komunidad na suportahan at ipagmalaki ang mga mag-aaral na ito na walang-sawang ibinabahagi ang kanilang talento at oras para sa ikagaganda ng bayan. Ang proyektong ito ay isang magandang handog ng mga kabataan, lalo na ngayong ipinagdiriwang ang kapistahan ng bayan.
Maligayang Fiesta, Calabanga! Arangkada Calabanga! 🎉
View original post