Babala ng PNP: Bawal ang paggamit ng AI-generated police uniform
Aug 25, 2026, 3:51 PM

Babala ng PNP: Bawal ang paggamit ng AI-generated police uniform
Nagbabala si PNP Chief Gen. Melencio Nartatez Jr. na maaaring makasuhan ang mga sibilyang nagpo-post online ng mga larawang naka-AI-generated police uniform.
Ayon sa PNP, ang mga lalabag ay maaaring maharap sa kasong Illegal Use of Uniforms or Insignia sa ilalim ng Article 179 ng Revised Penal Code, at paglabag sa Cybercrime Prevention Act o RA 10175 dahil ito ay ipinopost sa social media.
Dahil dito, pinaalalahanan ng kapulisan ang publiko na maging responsable at malinaw na ideklara kapag ang isang content ay gawa ng artificial intelligence.
View original post