Pinaigting na Seguridad sa ADNU, Ipinatupad Na; Mahabang Pila, Naranasan sa Unang Araw
Aug 24, 2026, 1:46 PM

Pinaigting na Seguridad sa ADNU, Ipinatupad Na; Mahabang Pila, Naranasan sa Unang Araw
NAGA CITY — Pormal nang sinimulan ngayong araw, Agosto 24, ang mas mahigpit na security screening sa mga kampus ng Ateneo de Naga University (ADNU).
Ang hakbang na ito ay agarang ipinatupad ng pamunuan bunsod ng nangyaring insidente ng pamamaril sa Junior High School campus ng Ateneo de Zamboanga University nitong nakaraang linggo.
Sa unang araw ng pagpapatupad ng bagong polisiya, nakaranas ng mahabang pila ang mga estudyante at kawani ng paaralan bago makapasok sa mga gate. Bilang bahagi ng pinaigting na security protocols, mahigpit nang ipinatutupad ang pagdaan ng bawat papasok sa walk-through metal detector at masusing inspeksyon ng mga bag.
(Larawan mula sa ThePILLARS Publication)
View original post