Dagsa ng Isda sa Baybayin ng Bula, Ikinatuwa ng mga Residente

Aug 24, 2026, 1:20 PM

Dagsa ng Isda sa Baybayin ng Bula, Ikinatuwa ng mga Residente ​CAMARINES SUR — Isang malaking biyaya ang sumalubong sa mga mangingisda at residente ng dalampasigan ng Itangon sa bayan ng Bula, Camarines Sur matapos bumungad ang masaganang huli ng isda nitong Sabado. ​Ayon sa mga lokal na residente, labis ang kanilang pagkagulat sa dami ng isdang napadpad sa pampang. Hindi umano nila inaasahan ang nasabing kaganapan, lalo na at nakararanas ng malalaking alon sa dagat nang mangyari ang pagdagsa. Laking pasalamat naman ng komunidad sa pandagdag-kabuhayan at pagkaing dala ng kalikasan.
View original post