Kamay ng Pulis na Tinaga sa Camarines Sur, Matagumpay na Naidugtong Muli

Aug 24, 2026, 12:40 PM

Kamay ng Pulis na Tinaga sa Camarines Sur, Matagumpay na Naidugtong Muli ​CAMARINES SUR — Hindi napigilang maging emosyonal ni Police Staff Sergeant Noli Miraña matapos ang matagumpay na operasyon upang muling maidugtong ang kanyang kaliwang kamay. ​Matatandaang naputol ang kamay ni Sgt. Miraña nang tagain siya ng isang lalaking nag-amok sa Barangay Calalahan, San Jose, Camarines Sur noong Agosto 22. Sa kasalukuyan, patuloy na nagpapagaling at mahigpit na mino-monitor ang kondisyon ng sarhento sa Bicol Medical Center.
View original post