NAPUTOL NA KAMAY NI PSSGT NOLI MIRAÑA, MATAGUMPAY NA NAIDUGTONG NG MGA DOKTOR SA BICOL MEDICAL CENTER

Aug 23, 2026, 8:43 PM

NAPUTOL NA KAMAY NI PSSGT NOLI MIRAÑA, MATAGUMPAY NA NAIDUGTONG NG MGA DOKTOR SA BICOL MEDICAL CENTER ​NAGA CITY — Matagumpay na naidugtong muli ng mga doktor sa Bicol Medical Center (BMC) ang naputol na kamay ni Police Staff Sergeant (PSSgt) Noli Miraña matapos itong tagain ng isang lalaki sa bayan ng San Jose, Camarines Sur. ​Magugunitang naputulan ng kamay ang naturang pulis nang tagain siya ng isang lalaking armado ng itak, na umano'y may sakit sa pag-iisip, habang rumeseresponde ang mga awtoridad sa nasabing insidente. ​Sa ngayon, nasa ligtas nang kalagayan at patuloy na nagpapagaling si PSSgt Miraña mula sa naging operasyon at mga tinamong pinsala.
View original post