'SPIDERMAN', TIKLO SA BUY-BUST
Aug 22, 2026, 7:23 PM

'SPIDERMAN', TIKLO SA BUY-BUST
Isang lalaking binansagang "Spiderman" ang tumalon sa bubong ng isang bahay at nagtago sa kisame upang takasan ang mga pulis, ngunit nabigo ang plano nito sa ikinasang buy-bust operation sa Toledo City, Cebu.
Naaresto ang 39-anyos na suspek, na kinilalang si alyas "Oman" o "Spiderman", sa isinagawang operasyon dakong 2:13 ng hapon nitong Miyerkules, Agosto 19, sa Barangay Calong-calong, Toledo City.
Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu. Tumitimbang ito ng humigit-kumulang 0.56 gramo na may tinatayang halaga na P3,808.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Toledo City Police Station si Oman para makulong habang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanya.
š·: Contributed
View original post