Sementeryo sa Brgy. Oring, binabantaan ng coastal erosion; pagpapatayo ng seawall, pilit na ipinapanawagan
Aug 22, 2026, 2:31 PM

Sementeryo sa Brgy. Oring, binabantaan ng coastal erosion; pagpapatayo ng seawall, pilit na ipinapanawagan
Bunsod ng patuloy na hampas ng alon at pagguho ng lupa (coastal erosion), nanganganib na tuluyang malamon ng dagat ang pampublikong sementeryo sa Brgy. Oring.
Sa panawagan ng mga residente sa lugar, iginiit nila ang matinding pangangailangan sa pagpapatayo ng sea wall upang maprotektahan ang sementeryo kung saan nakalibing ang kanilang mga pumanaw na kamag-anak.
Linaw ng mga residente, ang kanilang aksyon sa pagpapakita ng sitwasyon ay isang pagsusumamo sa mga opisyal at may katungkulan na mabigyan ng mabilis na aksyon at solusyon ang nasabing problema bago pa lumala ang pinsala.
View original post