KRIZZIA ANN TORAL NG NAGA CITY, INIHIRANG NA MUTYA NG IBALONG 2026
Aug 22, 2026, 7:52 AM

KRIZZIA ANN TORAL NG NAGA CITY, INIHIRANG NA MUTYA NG IBALONG 2026
Tagumpay na nasungkit ni Krizzia Ann P. Toral ng Lungsod ng Naga ang pinakamataas na parangal matapos siyang tanghalin bilang bagong Mutya ng Ibalong 2026.
Kabilang sa mga nakasama nitong nag-uwi ng karangalan si Jemina Nicole B. Cordial mula sa Camarines Sur, na ginawaran ng titulong Mutya ng Ibalong Tourism. Pumatok naman bilang 1st Runner-Up si Precious Joezhel T. Mortel ng Masbate, habang nakuha ni Marae Alaine B. Custodio ng Bombon, Camarines Sur ang pwesto bilang 2nd Runner-Up. Kumpletuhin naman ni Iya Lester R. Bober ng Daraga, Albay ang talaan ng mga nagwagi matapos sungkitin ang 3rd Runner-Up.
Bumuhos ang pagbati para sa lahat ng mga nagwagi at kandidatang buong-pusong nagpamalas ng kagandahan, talento, kultura, at muling nag-angat sa dangal ng rehiyon ng Bicol sa entablado ng Mutya ng Ibalong.
View original post