ONLINE BOMB THREAT SA 2 PAARALAN SA GOA, CAMARINES SUR!

Aug 22, 2026, 6:43 AM

ONLINE BOMB THREAT SA 2 PAARALAN SA GOA, CAMARINES SUR! ​GOA, CAMARINES SUR — Balot ngayon ng takot ang mga estudyante at magulang matapos magbanta ang isang social media dummy account na nagpakilalang "Mark Anthony" na pasasabugin umano nito ang Pinaglabanan National High School at Partido College. ​Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang pamunuan ng dalawang paaralan gayundin ang lokal na pamahalaan. Kasalukuyang hinihintay ng Partido News Online ang opisyal na aksyon at imbestigasyon ng Goa Municipal Police Station kaugnay sa kumakalat na banta. ​DISCLAIMER: Ginamit ang mga larawan ng mga nasabing paaralan para lamang sa paghahatid ng balita at pagbibigay-babala sa publiko. ​#BombThreatONLINE #BombThreat #BombThreatAwareness #GoaCamarinesSur #CamarinesSur #Bicol #BombThreatAwareness #GoaCamarinesSur #CamarinesSur #Bicol
View original post