ROAD CRASH SA SIPOCOT, CAMSUR: TOYOTA TAMARAW NATUHOG NG BAKAL, DRIVER NAKALIGTAS!

Aug 21, 2026, 4:34 PM

ROAD CRASH SA SIPOCOT, CAMSUR: TOYOTA TAMARAW NATUHOG NG BAKAL, DRIVER NAKALIGTAS! ​Masuwerteng minor injury lamang ang tinamo ng isang driver mula Sorsogon matapos sumalpok ang minamaneho niyang puting Toyota Tamaraw sa railings ng inaayos na kalsada sa Maharlika Highway, Brgy. Tara, Sipocot kaninang madaling araw ng Biyernes, Agosto 21. ​Ayon sa PNP Sipocot, natuhog ng isang steel pipe ang tagiliran ng sasakyan at tumagos hanggang sa likuran nito. Nagdulot naman ang insidente ng halos isang oras na pagbigat ng daloy ng trapiko sa lugar.
View original post