BITUKANG MANOK' SA NUEVA ECIJA? KAKAIBANG LINYA SA KALSADA, KINAGILIWAN ONLINE!
Aug 21, 2026, 4:30 PM
BITUKANG MANOK' SA NUEVA ECIJA? KAKAIBANG LINYA SA KALSADA, KINAGILIWAN ONLINE!
Agaw-pansin ngayon sa social media ang isang viral video na nagpapakita ng tila nakalilitong road markings sa isang bahagi ng kalsada sa Carranglan, Nueva Ecija.
Sa ibinahaging video ng netizen na si Mandoy Derick, kapansin-pansin ang alon-alon o wave pattern na pagkakagawa sa sementadong gilid ng highway. Dahil sa hindi deretsong pagkakabuhos sa tabing-kalsada, napilitang sundan ng road marking ang hugis nito, dahilan para maging paliko-liko rin ang pinturang inilapat.
Hindi naman napigilan ng mga netizens na mag-iwan ng mga nakatutuwang reaksyon. Pabirong tanong ng ilan, "Bitukang-Manok na ba ‘to sa Daet?" bilang paghahalintulad sa mga sikat na zigzag roads sa bansa. Mayroon din namang nagsabi na mistulang gumagapang na ahas ang pagkakalapat ng pintura dahil sa kakaibang kurba nito.
(📹 Video courtesy: Mandoy Derick)
View original post