14-ANYOS NA ESTUDYANTE, NAHULIHAN NG .357 REVOLVER SA LOOB NG PAARALAN SA CEBU

Aug 21, 2026, 2:22 PM

14-ANYOS NA ESTUDYANTE, NAHULIHAN NG .357 REVOLVER SA LOOB NG PAARALAN SA CEBU Nahulihan ng walang lamang .357 magnum revolver ang isang 14-anyos na estudyante sa loob ng Lut-od National High School sa Pinamungajan, Cebu, nitong Huwebes ng hapon, Agosto 20. Nadiskubre ng guro ang baril sa loob ng bag ng Grade 9 student sa isinagawang surprise inspection sa paaralan. Ayon sa pulisya, palihim na kinuha ng bata ang baril na pagmamay-ari ng kanyang lolo mula sa cabinet ng kanilang bahay. Agad na ibinigay sa kustodiya ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang menor de edad habang patuloy ang imbestigasyon. Pinuri naman ng Cebu Police Provincial Office ang mabilis na pag-uulat ng paaralan. Ang nasabing inspeksyon ay bahagi ng mas mahigpit na seguridad sa mga eskwelahan sa probinsya kasunod ng direktiba ni Cebu Governor Pamela Baricuatro at ng naganap na pamamaril sa Zamboanga kamakailan.
View original post