2 LALAKI, SUGATAN SA AKSIDENTE SA MOTOSIKLO SA PILAR, SORSOGON
Aug 20, 2026, 8:47 AM

2 LALAKI, SUGATAN SA AKSIDENTE SA MOTOSIKLO SA PILAR, SORSOGON
Dalawang 21-anyos na lalaki ang isinugod sa ospital matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo sa Barangay Bayasong, Pilar, Sorsogon nitong Agosto 19, 2026.
Ayon sa ulat ng MDRRMO, nagtamo ng gasgas sa kanang binti ang unang biktima. Samantala, dumaing naman ng pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, at mga gasgas sa balakang at dibdib ang ikalawang biktima.
Agad na rumesponde ang rescue team sa lugar kung saan naabutan nilang tinutulungan ng isang napadaang doktor mula sa RHU-Pilar ang dalawa. Matapos suriin at lapatan ng paunang lunas, kabilang ang pag-immobilize sa ikalawang biktima gamit ang spine board, ligtas na dinala ang mga pasyente sa Donsol District Hospital para sa kaukulang medikal na atensyon.
#UnaSaBalita
#OragonNews
#Bicol
View original post