LIDER NG "SBLACK GANG" SA NAGA CITY, MAHAHARAP SA KASONG CHILD ABUSE
Aug 20, 2026, 8:40 AM

LIDER NG "SBLACK GANG" SA NAGA CITY, MAHAHARAP SA KASONG CHILD ABUSE
Inirekomendang sampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 o Anti-Child Abuse Law ang 21-anyos na founder at lider ng "SBlack Gang" matapos mag-viral ang marahas nilang initiation rites sa Heavenly Peace Cemetery, Brgy. Concepcion Pequeña.
Kahit nagdesisyon ang mga magulang ng 13 at 15-anyos na biktima na huwag nang magdemanda, isasapinal pa rin ng LGU, Barangay, at PNP-WCPD ang pagsasampa ng kaukulang legal na aksyon laban sa gang. Nakita kasi sa kumalat na video na naka-blindfold at walang-awang pinagsusuntok na parang punching bag ang dalawang bagong recruit. Bukod sa lider, kinumpirma rin ng mga awtoridad na tukoy na nila ang iba pang miyembrong sangkot sa insidente
View original post