Tubong-Sipocot, kinoronahang Mrs. Philippines UAE 2026

Aug 19, 2026, 4:21 PM

Tubong-Sipocot, kinoronahang Mrs. Philippines UAE 2026 ​Nagdala ng matinding karangalan sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur si Taralyn Ex Crescini matapos itong tanghaling Grand Winner sa ginanap na Mrs. Philippines UAE 2026. ​Bukod sa pinakamataas na titulo, hinakot din ni Crescini ang halos lahat ng malalaking parangal sa kompetisyon kabilang na ang Best in Talent, Best in Filipiniana, Best in Swimwear, Best in National Costume, at Best in Closed-Door Interview. Nasungkit din niya ang anim na minor awards tulad ng Mrs. Congeniality at Mrs. Glamorous. ​Nagpaabot naman ng mainit na pagbati at suporta ang Lokal na Pamahalaan ng Sipocot sa tagumpay ni Crescini, na nagpamalas ng husay, ganda, at talino ng isang Filipina sa internasyonal na entablado. Watch full : https://bit.ly/WATCHTHEVIDEOHERE
View original post