1 Patay, 11 Sugatan sa Aksidente ng Jeep sa Lopez, Quezon
Aug 19, 2026, 3:39 PM

1 Patay, 11 Sugatan sa Aksidente ng Jeep sa Lopez, Quezon
Nasawi ang isang 72-anyos na lola habang sugatan ang 11 iba pa, kabilang ang drayber, matapos sumalpok sa puno ng mahogany ang sinasakyan nilang jeep sa Brgy. Bacungan, Lopez, Quezon nitong Miyerkules. Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol ang jeep patungong Buenavista nang maputol ang tie rod nito habang nasa kurbada. Isinugod ang mga sugatan sa ospital, habang nangako naman ng tulong ang operator ng jeep sa mga biktima.
(📸 Quezon PNP | 📹 Niño Abellera)
Full : https://bit.ly/WATCHTHEVIDEOHERE
View original post