19-anyos, inaresto dahil sa pekeng bomb threat sa Kadayawan Festival

Aug 19, 2026, 2:28 PM

19-anyos, inaresto dahil sa pekeng bomb threat sa Kadayawan Festival Arestado at nahaharap sa kaso ang isang 19-anyos na suspek matapos itong mag-post ng pekeng bomb threat sa isang livestream ng Kadayawan Festival sa Davao City. Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), nagkomento ang suspek na may bomba umano sa Coastal Road. Agad itong nirespondehan ng EOD at SWAT ngunit napatunayang walang bomba sa lugar. Sa tulong ng cybercrime investigation, agad na natukoy at nadakip ang suspek. Nahaharap siya ngayon sa paglabag sa Presidential Decree No. 1727 (malicious dissemination of false information) at may inirekomendang piyansa na ₱42,000. Nagbabala naman si DCPO City Director PCOL Peter Madria na hindi biro ang pagpapakalat ng bomb threat, online man o hindi, at tiniyak na mananagot sa batas ang sinumang gagawa nito. Watching full : https://bit.ly/WATCHTHEVIDEOHERE
View original post