PUBLIKO, HINIHILING NA HUWAG NANG IKALAT ANG VIDEO NG PAMAMARIL SA ATENEO DE ZAMBOANGA

Aug 19, 2026, 3:20 PM

PUBLIKO, HINIHILING NA HUWAG NANG IKALAT ANG VIDEO NG PAMAMARIL SA ATENEO DE ZAMBOANGA ​Umapela ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa publiko kaugnay ng naganap na insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University ngayong araw. ​Ayon kay CICC Usec. Renato “Aboy” Paraiso, mariin nilang hinihiling na huwag nang i-repost, ipasa, o ikalat pa ang video ng insidente sa anumang social media platform. ​Paliwanag ng ahensya, ang hindi pagpapakalat ng naturang video ay isang malaking tulong upang bigyang-respeto ang mga apektado at upang hindi makasagabal sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad. ​(Video Courtesy: CICC) Watch it for full video : https://bit.ly/WATHITFORFULL
View original post