Establisyimento sa Libmanan, Nasunog; Mabilis na Naapula ng BFP

Aug 19, 2026, 10:07 AM

Establisyimento sa Libmanan, Nasunog; Mabilis na Naapula ng BFP LIBMANAN, CAMARINES SUR — Isang komersyal na establisyimento sa Zone 3, Barangay Padlos ang nasunog kaninang ala-1:02 ng madaling araw, Agosto 19. Ayon sa Libmanan Fire Station, mabilis na nakaresponde ang mga bumbero sa lugar kaya't naideklara kaagad itong "fire out" makalipas lamang ang walong minuto (1:10 AM). Dahil sa maagap na pag-apula, hindi na lumaki at kumalat ang apoy. Base sa tala ng pinsala, isang istraktura na may lawak na 7.5 square meters ang apektado ng sunog kung saan isang indibidwal ang nadamay. Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa nasabing insidente. Patuloy namang nagpapaalala ang mga awtoridad sa publiko na mag-ingat at maging alerto, lalo na sa paggamit ng kuryente, upang maiwasan ang mga ganitong sakuna.
View original post