LPA sa loob ng PAR, ganap nang isang bagyo; pinangalanang 'Neneng'

Aug 18, 2026, 7:54 PM

LPA sa loob ng PAR, ganap nang isang bagyo; pinangalanang 'Neneng' ​Tuluyan nang naging isang tropical depression ang low pressure area (LPA) na namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) dakong alas-dos ng hapon ngayong Martes, Agosto 18, 2026. ​Ayon sa PAGASA, binigyan ng lokal na pangalan na "Neneng" ang naturang sama ng panahon. Patuloy namang pinapayuhan ng ahensya ang publiko na manatiling alerto at umantabay sa mga susunod na weather bulletin upang malaman ang magiging direksyon at posibleng epekto ng Bagyong Neneng sa bansa.
View original post