Malacañang, Nanawagan ng Ibayong Paggabay sa Kabataan Kasunod ng ADZU Shooting
Aug 18, 2026, 1:42 PM
Malacañang, Nanawagan ng Ibayong Paggabay sa Kabataan Kasunod ng ADZU Shooting
MAYNILA — Pormal na naglabas ng pahayag ang Malacañang ngayong Martes, Agosto 18, kaugnay ng nakakagimbal na insidente ng pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga University (ADZU) Junior High School.
Sa isang opisyal na pahayag, binigyang-diin ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang pangangailangang mas paigtingin ang proteksyon at seguridad para sa mga kabataan.
Ayon sa opisyal, upang maiwasan ang mga ganitong uri ng trahedya, napakahalaga ng magkatuwang na paggabay at pagsubaybay sa mga mag-aaral—hindi lamang sa loob ng kanilang mga tahanan kasama ang mga magulang, kundi pati na rin sa pangangalaga ng mga pamunuan ng paaralan.
(Larawan mula sa RTVM)
View original post