Traysikel Nahulog sa Bangin sa Baras, Catanduanes; Drayber, Ligtas

Aug 18, 2026, 12:45 PM

Traysikel Nahulog sa Bangin sa Baras, Catanduanes; Drayber, Ligtas ​BARAS, CATANDUANES — Ligtas at walang tinamong sugat ang isang drayber matapos mahulog ang kaniyang minamanehong traysikel sa tinatayang dalawa hanggang tatlong metrong lalim na bangin sa Barangay Paniquihan, Baras, Catanduanes nitong gabi ng Agosto 11, 2026. ​Ayon sa Baras Bureau of Fire Protection (BFP), nakatanggap sila ng ulat mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) bandang alas-6:26 ng gabi. Agad na rumesponde ang kanilang hanay sa lugar upang magsagawa ng assessment at magbigay ng kinakailangang tulong. ​Sa pagtutulungan ng mga rumespondeng tauhan, matagumpay na naiahon at narekober ang traysikel dakong alas-7:03 ng gabi. ​Bagama't walang naiulat na nasugatan sa insidente, nagpaalala ang BFP sa mga motorista na mag-ibayo ng pag-iingat sa pagmamaneho, lalo na kapag binabagtas ang mga kalsadang may matatarik na bahagi at malalalim na bangin. ​(Mula sa ulat ng BFP Baras, Catanduanes)
View original post