Suspek sa Pamamaril sa ADZU, 'Top 1' Umano sa Klase at Anak ng Awtoridad

Aug 18, 2026, 12:41 PM

Suspek sa Pamamaril sa ADZU, 'Top 1' Umano sa Klase at Anak ng Awtoridad ​ZAMBOANGA CITY — Panibagong mga detalye ang lumutang kaugnay sa pagkakakilanlan ng estudyanteng suspek sa naganap na pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) – Tumaga Campus nitong Martes ng umaga, Agosto 18. ​Batay sa mga paunang ulat at ulat mula sa social media, ang suspek na kinilalang si "Nael" ay sinasabing nangunguna o "Top 1" sa kaniyang klase. Ibinahagi umano noon ng pamilya ng suspek ang kaniyang mga academic achievement sa internet, ngunit agad din itong binura matapos ang insidente. ​Bukod dito, lumabas din sa mga inisyal na impormasyon na ang ama ng suspek ay naglilingkod umano bilang isang chief sa Customs Police. ​Sa kasalukuyan, patuloy ang malalimang imbestigasyon ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) upang matukoy ang opisyal na motibo sa likod ng trahedya at kung paano nakakuha ng armas ang suspek.
View original post