Guro at Anak ng Mayor, Umanong Unang Pinuntirya sa Pamamaril sa ADZU

Aug 18, 2026, 12:15 PM

Guro at Anak ng Mayor, Umanong Unang Pinuntirya sa Pamamaril sa ADZU ZAMBOANGA CITY — Lumabas ang mga bagong detalye kaugnay sa malagim na insidente ng pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga University (ADZU) Junior High School sa Savana, Tumaga, Zamboanga City ngayong araw, Agosto 18. Ayon sa mga inisyal na ulat, unang binaril ng suspek—na isa ring junior high school student—ang kaniyang guro. Matapos nito, isinunod diumano ng suspek na barilin ang kaniyang kaklase na napag-alamang anak ng alkalde ng lungsod, bago pinaputukan ang iba pa nilang mga kaklase. Patuloy namang bineberipika ng Philippine National Police (PNP) at ng lokal na pamahalaan ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, gayundin ang opisyal na kalagayan ng mga naturang biktima. Mahigpit ding nakabantay ang mga awtoridad sa paligid ng paaralan habang umuusad ang imbestigasyon.
View original post