Walong Bahay, Naapektuhan ng Sunog sa Casiguran, Sorsogon
Aug 18, 2026, 8:08 AM

Walong Bahay, Naapektuhan ng Sunog sa Casiguran, Sorsogon
CASIGURAN, SORSOGON — Aabot sa walong kabahayan ang inabot ng apoy sa sumiklab na sunog kagabi, Agosto 17, 2026, sa Barangay Lungib sa bayang ito.
Ayon sa inisyal na tala, lima sa mga nasabing bahay ang tuluyang naabo (totally damaged), habang tatlo naman ang bahagyang napinsala (partially damaged).
Sa kasalukuyan, patuloy ang operasyon ng mga bumbero sa lugar upang tuluyang maapula ang apoy at masigurong walang maiiwang baga. Hinihintay pa rin ang opisyal na pahayag at imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang matukoy ang sanhi ng insidente at ang kabuuang halaga ng pinsala.
View original post