DATING EMPLEYADO NG LENDING COMPANY, ARESTADO SA ₱2-M QUALIFIED THEFT

Aug 18, 2026, 6:23 AM

DATING EMPLEYADO NG LENDING COMPANY, ARESTADO SA ₱2-M QUALIFIED THEFT NAGA CITY — Inaresto ng mga awtoridad dakong alas-4 kahapon si Ralf Jefferson, isang dating empleyado ng lending company sa lungsod, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Theft. Isinampa ng may-ari ng kumpanya ang kaso matapos umanong hindi i-remit ng suspek ang mahigit ₱2 milyong koleksyon mula sa kanilang mga kliyente. Ayon sa pamunuan, ilang beses nilang binigyan ng palugit ang suspek na magsumite ng financial report at ibigay ang pera ngunit binalewala nito. Pinayagan naman ng korte na magpiyansa ang suspek para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
View original post