LGU at DPWH, nagpulong para sa 10 bagong proyekto

Aug 17, 2026, 9:29 PM

LGU at DPWH, nagpulong para sa 10 bagong proyekto Bumisita ang lokal na pamahalaan ng Calabanga sa DPWH Camarines Sur 3rd District Engineering Office upang talakayin ang preparasyon para sa 10 budget proposal projects na nakalaan para sa bayan. Pinangunahan ni OIC District Engineer Jose B. Gigantone, Jr. ang pulong, kasama sina Municipal Engineer Ramon C. Pabico, Jr. at ilang mga kapitan ng barangay. Pangunahing tututukan ng mga nasabing proyekto ang pagpapatayo at pagsasaayos ng mga tulay, kalsada, at multi-purpose buildings upang mas mapabuti ang pamumuhay ng mga Calabangueño. Taos-pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng buong bayan ng Calabanga sa DPWH dahil sa walang-sawang suporta at pakikiisa nito sa patuloy na pag-asenso ng komunidad. 🏗️🇵🇭
View original post