PAGBAHA, NARANASAN SA ILANG BAHAGI NG ANTIPOLO
Aug 17, 2026, 6:12 PM

PAGBAHA, NARANASAN SA ILANG BAHAGI NG ANTIPOLO
ANTIPOLO CITY — Binaha ngayong Lunes ng hapon, Agosto 17, ang ilang bahagi ng Soliven Avenue sa Barangay Mayamot, Antipolo City.
Kabilang sa mga naiulat na apektado ng pagtaas ng tubig ang mga sumusunod na lugar:
Cadena de Amor–Soliven
Soliven–St. Francis
Bluebells
Adelfa
BDO V.V. Soliven
Soliven–MNHS/GHNT 1-A
Batay sa impormasyong ibinahagi ng Barangay Mayamot, patuloy na mino-monitor ang sitwasyon sa mga apektadong lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
📸 Barangay Mayamot – Kap. Rico Paulo Estanislao
View original post