P142-M flood control structure sa Camarines Sur, gumuho kahit walang bagyo
Aug 17, 2026, 12:50 PM

P142-M flood control structure sa Camarines Sur, gumuho kahit walang bagyo
CANAMAN, CAMARINES SUR — Tuluyan nang hindi mapapakinabangan ang isang bagong tayong flood control structure sa bahagi ng Bicol River sa Barangay San Francisco, matapos itong gumuho nitong Miyerkules, Agosto 12, sa kabila ng maaliwalas na panahon.
Naging palaisipan sa mga residente at awtoridad ang biglaang pagkasira ng istruktura dahil walang tumamang bagyo o malakas na pag-ulan sa lugar. Lumalabas na nitong Marso lamang natapos ang naturang proyekto makalipas ang halos isang taong konstruksyon na sinimulan noong Abril ng nakaraang taon.
Batay sa mga dokumentong nakuha ng CSN mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), pinondohan ng pamahalaan ang proyekto sa halagang ₱142,476,768. Ang kontrata ay naigawad sa Centerways Construction and Development, Inc., isang kumpanyang nakabase sa Sorsogon City.
Patuloy ngayong inaalam ang eksaktong dahilan kung bakit bumigay ang pundasyon ng milyun-milyong pisong proyekto.
(Larawan mula kay: Epoy Barrosa)
View original post