Pampasaherong Ferry Lumubog sa Mozambique; 19 Nasawi, 95 Nawawala

Aug 17, 2026, 3:04 AM

Pampasaherong Ferry Lumubog sa Mozambique; 19 Nasawi, 95 Nawawala ​MOZAMBIQUE — Kumpirmadong nasawi ang 19 na indibidwal habang 95 na iba pa ang patuloy na pinaghahanap matapos lumubog ang isang pampasaherong ferry. ​Ayon sa ulat ng mga lokal na awtoridad, nangyari ang trahedya sa bahagi ng Indian Ocean na nasasakupan ng bansang Mozambique. Lumabas din sa paunang impormasyon na ang lumubog na sasakyang pandagat ay pagmamay-ari ng bansang Zimbabwe. ​Sa kasalukuyan, blangko pa rin ang mga awtoridad sa sinapit ng nalalabing 95 na pasahero habang patuloy ang isinasagawang search and rescue operations
View original post