🥊 Pinoy Pride: Santisima Jr., Pinatulog si Oguni sa Japan!
Aug 16, 2026, 9:27 PM

🥊 Pinoy Pride: Santisima Jr., Pinatulog si Oguni sa Japan!
TOKYO, JAPAN — Isa na namang matinding tagumpay para sa Pilipinas! 🇵🇭 Pinatunayan ng pambatong Pinoy na si Alex Santisima Jr. ang kanyang bangis sa ibabaw ng lona matapos pabagsakin ang dating world champion na si Yukinori Oguni via 8th-round Technical Knockout (TKO) ngayong araw, Agosto 16.
Ginanap ang umaatikabong 10-round Super Bantamweight na bakbakan sa makasaysayang Korakuen Hall sa Tokyo. Hindi nagpadakip nang buhay ang tubong-Cebu na si Santisima, at tuluyang tinapos ang laban sa ikawalong round upang masungkit ang isa sa pinakamalaking panalo sa kanyang career laban sa batikang Hapon.
Ito ay isang malaking hakbang para kay Santisima na lalo pang makilala sa world boxing stage! 🏆
View original post