PATROL CAR NG GUINDULMAN PNP, NAAKSIDENTE SA LOAY HABANG NAGHAHATID NG EBIDENSYA
Aug 16, 2026, 8:26 PM

PATROL CAR NG GUINDULMAN PNP, NAAKSIDENTE SA LOAY HABANG NAGHAHATID NG EBIDENSYA
LOAY, BOHOL — Naaksidente ang isang patrol car ng Guindulman Municipal Police Station sa National Highway ng Brgy. Yanangan, Loay, habang patungo sa Tagbilaran City para maghatid ng ebidensya mula sa isang buy-bust operation patungong PNP Crime Laboratory.
Ayon sa inisyal na ulat ng mga awtoridad, bigla umanong naglabo ang paningin ng sibilyang driver ng sasakyan kaya nawalan ito ng kontrol at tuluyang bumangga. Nagtamo ng sugat ang driver at agad na dinala sa pagamutan, habang hindi naman nasaktan ang kasama nitong police investigator.
Sa kabila ng aksidente, ligtas at matagumpay pa ring naihatid ang mga ebidensya sa crime laboratory para sa kaukulang eksaminasyon.
Patuloy namang iniimbestigahan ang saktong medikal na kondisyon ng driver na naging sanhi ng paglabo ng kanyang paningin, pati na rin ang iba pang detalye ng aksidente.
#CPNLocalNewsUpdates #JustIn #BoholNews #LoayBohol #GuindulmanPNP #BalitangLokal
View original post