DOST-PAGASA, PATULOY NA BINABANTAYAN ANG DALAWANG LPA SA LABAS NG PAR

Aug 16, 2026, 5:47 PM

DOST-PAGASA, PATULOY NA BINABANTAYAN ANG DALAWANG LPA SA LABAS NG PAR Patuloy na binabantayan ng DOST-PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa inilabas nitong weather update ganap na 2:00 PM ngayong Linggo, Agosto 16. Ayon sa state weather bureau, mababa ang posibilidad na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras ang unang LPA. Samantala, ang ikalawang LPA ay may katamtaman o "medium" chance na lumakas at maging isang bagyo o tropical depression. Huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 1,385 kilometro sa Silangan ng Central Luzon. Pinapayuhan ang publiko na patuloy na mag-abang sa mga susunod na ulat mula sa PAGASA ukol sa galaw ng mga nabanggit na LPA. 📸: DOST-PAGASA/Facebook
View original post