Bangkay ng 19-anyos na may karatulang 'magnanakaw', itinapon sa Masbate City
Aug 16, 2026, 3:18 PM

Bangkay ng 19-anyos na may karatulang 'magnanakaw', itinapon sa Masbate City
MASBATE CITY — Natagpuan ang duguang bangkay ng isang 19-anyos na kinilalang si "Dodong" sa isang bakanteng lote sa Brgy. Maingaran. Nagtamo ng mga sugat ang biktima at iniwanan ng karatula na nagsasabing, “Huwag tularan ng kabataan, magnanakaw.”
Huling nakitang buhay ang biktima na nakikipista sa Brgy. Bantigue. Ayon sa pulisya, posibleng pinatay sa ibang lugar ang biktima bago itinapon ang labi nito sa naturang lote. Patuloy ang paghahanap sa mga suspek at motibo ng krimen.
View original post