Helmet ng estudyante, tinangay sa labas ng Ateneo de Naga

Aug 16, 2026, 3:15 PM

Helmet ng estudyante, tinangay sa labas ng Ateneo de Naga ​NAGA CITY — Sapul sa CCTV ng Brgy. Bagumbayan ang pagnanakaw sa helmet ng isang babaeng estudyante na naiwan sa kaniyang nakaparadang motorsiklo sa Ateneo Avenue. Inireport na sa pulisya at barangay ang insidente upang matukoy ang suspek. Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga motorista na dalhin o i-lock ang helmet para iwas-nakaw. (Courtesy: Yna Jacob)
View original post