ALEX EALA, UMABANTE SA ROUND OF 32 NG CINCINNATI OPEN
Aug 16, 2026, 2:10 PM

ALEX EALA, UMABANTE SA ROUND OF 32 NG CINCINNATI OPEN
CINCINNATI — Pormal nang nakapasok ang pambato ng Pilipinas na si Alex Eala sa Round of 32 ng Cincinnati Open 2026 matapos magretiro sa gitna ng laban ang kanyang katunggali na si Elena-Gabriela Ruse dulot ng injury.
Dominado ni Eala ang kanilang round-of-64 match, kung saan bitbit niya ang komportableng abante na 6-1, 3-0 sa ikalawang set bago tuluyang hindi na itinuloy ng Romanian tennis player ang laro.
Bunsod ng pagkapanalo via retirement, awtomatikong aabante si Eala sa susunod na yugto ng torneo upang ipagpatuloy ang kanyang kampanya.
View original post