'PUKSAAN' SA NAGA CITY: KAWALAN NG SEGURIDAD SA CARLESS WEEKEND, KINAALARMA MATAPOS MAY MAKISALING WALANG PROTEKSYON ...

Aug 16, 2026, 1:57 PM

'PUKSAAN' SA NAGA CITY: KAWALAN NG SEGURIDAD SA CARLESS WEEKEND, KINAALARMA MATAPOS MAY MAKISALING WALANG PROTEKSYON SA BOXING NAGA CITY — Isang insidente ng 'street boxing' ang sumiklab sa Plaza Rizal habang ginaganap ang Carless Weekend, na nagdulot ng pangamba sa publiko dahil sa isyu ng kaligtasan at kontrol sa mismong kaganapan. Sa isang video na kuha ni Haron Geroy, makikitang nagbo-boxing ang dalawang kabataan na may suot namang headgear. Subalit, naging mapanganib ang sitwasyon nang biglang may isang indibidwal na nakisali at basta na lamang nanuntok na wala man lang suot na gloves o headgear. Nagpahayag ng matinding pag-aalala ang mga netizen dahil sa mataas na posibilidad na mauwi sa seryosong pinsala ang ganitong aktibidad, lalo na kung may mga nakakapasok at nakikisali na walang sapat na safety equipment at paggabay. Bunsod ng insidente, umapela ang publiko at nag-iwan ng katanungan sa mga organizers ng Carless Weekend: Batid ba nila ang ganitong mga aktibidad, at sapat ba ang nakatalagang seguridad upang makontrol ang mga biglaang sumasali at maprotektahan ang mga kabataan mula sa aksidente? šŸ“¹ Video mula kay: Haron Geroy #Boxing #NagaCity
View original post