WELDER, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA LIBMANAN
Aug 16, 2026, 1:19 PM

WELDER, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA LIBMANAN
Kalaboso ang isang 50-anyos na welder na nakilalang si alyas "Boboy," residente ng Brgy. San Juan, matapos mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa isang buy-bust operation sa Zone 1A, Brgy. Bigajo Sur, Libmanan, Camarines Sur nitong Agosto 15, 2026, bandang 7:19 ng gabi.
Sa isinagawang operasyon, nakabili ang mga awtoridad mula sa suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang ₱1,500. Ang nakumpiskang droga ay tumitimbang ng 0.3 gramo at may tinatayang street value na ₱2,040.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Libmanan Police ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Subscribe to get exclusive benefits:
https://www.facebook.com/OragonNewsOnline/subscribenow
View original post